Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni James Banks

Dalian at Maghintay

“Ano ang gagawin natin sa lahat ng tirang oras na ito?” Ang kaisipang iyan ang puso ng essay na inilathala si John Maynard Keynes noong 1930. Doon, sinabi ni Keynes na sa loob ng 100 taon, dahil sa teknolohiya ay darating ang panahon na tatlong oras na lang sa isang araw magtatrabaho ang tao.

Lampas 90 taon na mula nang mailathala…

Mabuti Ang Pagsabi Ng Tapat

“Mahal kong kaibigan, minsan kung magsalita ka para bang mas banal ka kaysa sa totoong ikaw.” Sinabi iyan ng kaibigan at tagapayo ko na may maamong ngiti habang nakatingin sa mata ko. Kung iba ang nagsabi baka nasaktan ako pero malaki ang pagpapahalaga ko sa pagtitimbang niya ng mga bagay bagay. Napangiwi ako pero natawa rin kasi kahit may kurot…

Huminto Para Magdasal

Bumulwak ang tubig sa kalye mula sa fire hydrant. May ilang kotse sa unahan ko ang nabasa na. Naisip ko, libreng linis ng kotse! Isang buwan nang hindi nalilinis ang kotse ko at makapal na ang alikabok. Humarurot na ako tungo sa tubig.

Krak! Ang bilis ng pangyayari. Maaga pa lang nainitan na ng araw ang kotse ko kaya mainit…

Dinaanan Lang Ang Pagpapala

Noong 1799, nakakita ang labingdalawang taong gulang na si Conrad Reed ng malaki at makinang na bato sa sapang dumadaloy sa maliit na bukid ng pamilya niya sa North Carolina. Inuwi niya ito para ipakita sa tatay, isang mahirap na magsasakang dayo mula sa ibang lugar. Pero ‘di alam ng tatay kung ano ang posibleng halaga nito kaya ginamit itong…

Dadalhin Ng Pag-ibig

Minsan, nilapitan ako ng aking apat na taong gulang na apo at hinawakan ang aking kalbong ulo. Tanong niya, “Lolo, ano pong nangyari sa buhok ninyo?” Natawa ako at sinabi ko sa kanya, “Apo, sa pagdaan kasi ng panahon ay naubos na ito.” Nakita ko sa mukha niya ang hitsura ng pag-aalala at sinabi niya sa akin. “Nakakalungkot naman po…